Mali na gawin mo siyang mundo mo..
Dahil
kapag nawala siya, ano na lang matitira sa’yo? Mali pala na magmahal ng
sobra-sobra para lang sa isang tao. Na halos makalimutan mo na pati
sarili mo. Masama ang sobra, ika nga nila. Kaya’t kapag nasobrahan ‘yang
pagmamahal na ‘yan na meron ka sa isang tao, masasaktan ka rin ng
sobra. Or worst, higit pa sa sobra.
Hindi porke masaya kayo
ngayon ng karelasyon mo, eh sigurado ka ng siya pa rin ang makakapiling
mo sa mga panahon na makakaranas ka ng lungkot. Hindi porke siya ang
boyfriend/girlfriend mo ngayon, eh siya na ang forever mo. Magmahal ka
ng tama, masama ang kulang at sobra. Mahalin mo ang taong karapat-dapat
dyan sa pag-ibig mo. Saka mo siya gawing mundo mo, kapag ikaw din ang
mundo niya.
No comments:
Post a Comment