Monday, February 4, 2013

SAKRIPISYO.


bakit nga ba kailangan nating magsakripisyo para sa taong mahal natin?
gaano man ito kasakit...gaano man ito kahirap...
pilit nating kakayanin makita lang nating masaya ang taong mahal natin...
kasi alam natin yun ang pinaka-tamang gawin...
ika nga "If you love someone set them free.."
pero aminin man natin o hindi ang hirap tanggapin ng katotohanan..

ahhhh pag-ibig nga naman masyadong masalimuot...

ngayon napatunayan ko na mahirap at masakit gawin ang tama..
bakit ba sa tuwing may naghihiwalay eh sobrang nagiging masama ang dating nung nang-iwan?
di nyo ba alam kung gaano din kahirap ang magdesiyon tungkol dun?
yung iiwan mo ang mahal mo para sa ikabubuti nya o ikabubuti ng lahat?
hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon na ang nang-iwan ay may iba na..
minsan kasi kailangan nating iwan ang isang tao dahil yun ang nararapat at yun ang tama..
para wala ng masaktan at wala ng iiyak..
dahil hindi naman natin pwedeng angkinin ang isang tao kung ayaw na nito sa atin, hindi ba?

ikaw ba kya mo tapangan ang sarili mo para s ikabubuti ng mahal mo?
handa ka bang magparaya para sa ibang tao?
handa ka bang masaktan kapalit ng kaligayahan ng mahal mo?
handa ka bang magsakripisyo para sa lahat?

Mali na gawin mo siyang mundo mo..

Dahil kapag nawala siya, ano na lang matitira sa’yo? Mali pala na magmahal ng sobra-sobra para lang sa isang tao. Na halos makalimutan mo na pati sarili mo. Masama ang sobra, ika nga nila. Kaya’t kapag nasobrahan ‘yang pagmamahal na ‘yan na meron ka sa isang tao, masasaktan ka rin ng sobra. Or worst, higit pa sa sobra.

Hindi porke masaya kayo ngayon ng karelasyon mo, eh sigurado ka ng siya pa rin ang makakapiling mo sa mga panahon na makakaranas ka ng lungkot. Hindi porke siya ang boyfriend/girlfriend mo ngayon, eh siya na ang forever mo. Magmahal ka ng tama, masama ang kulang at sobra. Mahalin mo ang taong karapat-dapat dyan sa pag-ibig mo. Saka mo siya gawing mundo mo, kapag ikaw din ang mundo niya.
Papakawalan mo pa ba?
Kung mahal ninyo nman talaga ang isat-isa?
Bibitaw ka pa ba? 
Kung hawak mo na? 

Minsan makaranas lang ng kunting lungkot at pagkakamali yung partner natin... 
Gusto na agad bumitaw... 
Dahil sa pride na " sinaktan" na nila tayo, niloko at pinaglaruan... 

May mga taong mas piniling maging tanga pansamantala... 
Patuloy na kahit gaanong kasakit ang ginawa nila andun parin siya para sa relasyon na meron sila... 
May mga taong gustong mabago ang taong mas piniling maging tanga pansamantala... Patuloy na kumakapit sa taong mahal nila... 
Gustong patunayan sa taong mahal nila na kahit gaanong kasakit ang ginawa nila andun parin siya para sa relasyon na meron sila...

Tatanggapin ang lahat ng sakit, tatanggapin ang lahat ng pagsubok... 
Mapatunayan lang na mahal talaga nila ang taong yun... 
Dahil sa ginagawa nilang yun, umasa sila na mabago nila yung taong taken for granted lang sila... 
Pinipilit niya kahit mahirap... 
Pinipilit niya kahit na siya ay nasasaktan... 
Ang mahalaga, magkasama sila.. 
Ang mahalaga hindi siya bumibitaw... 

Hawak mo na yung taong pinangarap mo... 
Nasa iyo na... 
Ipaglalaban mo lang ulit... 
Sa'yo na yun eh...
Bibitawan mo pa ba?